home ask me archive submit theme
break. burn. end.
Just to break me like a promise.

Kanina kasi, PE class. At dahil sumba kami, pinagdala talaga kami ng speaker. At ang ibig sabihin nun ay makakapagsound trip kami tuwing vacant time. Since lunch time after MAPeH period, nagpatugtog ako habang kumakain. Isang kanta lang, all too well. Ewan ko ba, sobrang sentimental kasi talaga ng kantang iyon para sa akin. Hindi literal na dahil nakakarelate ako or may mas malalim na dahilan, sadyang para sa akin ay perfection lang talaga ang kantang iyon. Nung patapos na ang kanta, sakto namang dumating sa loob ng classroom si Rhon. Sa sahig ako kumakain nun, sa unahan, at kitang-kita ko kung paano siya sumabay sa last lyrics. Eto na naman, napabalik na naman ako sa huling gabi na nagkatext kami. Hindi naman napasaktong all too well ang pinapakinggan ko in repeat nun, nung gabing iyon. Dahil yun naman kasi talaga ang lagi kong pinapakinggan. Nasabi ko pa ngang pinapakinggan ko yun sa kanya eh, nabored naman kasi ako nung sinabi niyang makinig ako sa radio station na pinapakinggan niya non. Tinanong niya pa nga, kung sino daw ang kumanta. Sino pa ba? :) at ngayon, sinasabayan niya pa. Sino bang mag-aakalang alam niya pala yung mismong kanta? Miski ako, ay hindi ko alam. Assuming ba masyado, kung isipin kong kaya niya pinakinggan yun, ay dahil sakin? Assuming ba, kung isipin kong sa tuwing naririnig niya ang kantang iyon, ako ang una niyang naaalala? Assuming bang isipin na may mga alaalang nagfflashback sa kanya ng dahil sa kantang yon? At sa mga alaalang iyon, ay nandoon ako. It was rare, I was there, I remember it all too well.

Wala, tanggap ko na. Tanggap na tanggap ko ng wala ng kahihinatnan ito. Magkagusto siya sa iba, sige. Lumandi na siya sa harap ko, sige. Wala na akong pakialam. Hindi na rin naman gaano masakit. Siguro dahil nasanay na ako? O siguro natauhan na talaga ako na hindi siya worth it, hindi siya ganun kaimportanteng tao para masaktan ako ng dahil sa kaniya. Magulo nga lang, dahil may mga times na nagagawa kong ngumiti ng tunay habang inilalabas ko ang lahat ng hinaing ko tungkol sa kaniya sa iba, at may times naman na gusto ko na lang umiyak at pumatay ng tao. Pero ewan ko, siguro tanggap ko ng talo na ako. At hindi na rin naman iyon mahalaga, kaya ko pa rin naman siyang tingalain kahit hindi niya ako nililingon eh. Kaya ko pa rin naman siyang magustuhan kahit alam kong isang kaklase lang ang tingin niya sakin. Pero ang nakakainis, kahit alam kong wala ng pag-asa, may part pa rin sakin ang kahit papaano ay umaasa pa rin. Umaasang babalik siya, umaasang babalik yung dati. At natatakot ako sa mabilis na pagtakbo ng oras, sa mabilis na paglipas ng mga araw. Natatakot ako na baka huling araw na namin sa high school ay wala pa rin akong napapala sa paghihintay. Dahil ang totoo ay naghihintay pa rin ako, hinihintay ko pa rin siya hanggang ngayon. Hindi niya ba talaga makita? Na noong iniwan niya ako sa isang lugar ay hindi ako umalis sa lugar na iyon para habulin siya. Nandoon pa rin ako, naghihintay sa kaniya. Nagbabakasakaling pupunta ulit siya roon para balikan ako. Na baka nakalimutan niya lang pala ako pero babalikan niya pa rin kapag naalala na niya. Ah hindi, siguro ako lang itong nakaramdam na iniwan niya ako. Dahil umpisa pa lang ay hindi naman talaga kami nagkasabay, ako lang itong nakisabay. Pero maghihintay pa rin ako ng maghihintay, kahit walang saysay, kahit wala akong dahilan. Kahit wala itong patutunguhan. Maghihintay lang ako sa kaniya hanggang sa makalimutan ko na kung bakit ako naghihintay, at para kanino. Hindi niya pa ba maramdaman? Nahihirapan ako ng dahil sa kaniya. Gusto niya pa bang umiyak ako sa harapan niya at ilabas lahat ng saluobin ko para lang matauhan siya? Para lang mapagtanto naman niyang ako lang ang nagmamahal sa kaniya ng ganito? Sa tuwing natitignan niya ba ako sa mga mata, hindi niya pa ba nararamdamang may mali na? Na iba na ang nagrereflect sa akin tuwing tumitingin ako sa mata niya. Hindi na pagkakilig, kung hindi kalungkutan. At sa bawat pagtitinginan, sa bawat malulungkot na ngiti ko, sana maintindihan niya yung mga mensaheng gusto kong ipahiwatig at mga salitang gusto kong sabihin. Nasasaktan ako, pero ayos lang dahil siya naman ang dahilan.

Tinde noh pa-dp dp pa ng puso na may nakalagay na ‘YOU’ sa pinakamalaking part haha baka kasya ano po kalandian neto hahaha syet ang bitter ko xx

Sa totoo lang hindi naman gaano masakit yung harap-harapang pagbabali-wala sayo ng taong gusto mo. Hindi na din mahirap yung pagmumukha niya sayo na wala ka lang talaga para sa kaniya. Siguro kasi sanay ka na, siguro kasi tanggap mo na. Siguro kasi, manhid na manhid ka na. Siguro kasi alam mo na wala naman siyang gustong iba, kaya kuntento ka na. Kumbaga, okay na sayo yung one-sided. Pero yung makita mo na parang may tinatrato na siyang isang babaeng na masasabi mong special, masasabi mong iba sa pagtrato niya sa ibang babae, yun.. iyon ang hindi madali. Masakit diba, lalo na kapag naaalala mong three months ago ay ganoon kayo, ganoon siya sayo. Pero sa loob ng dalawang buwan ay marami pala ang pwedeng magbago. At nakakainis yung hindi man lang nagkaroon ng matinong pagtatapos. Basta paggising mo, wala na. Hindi mo alam kung bakit, hindi mo alam kung paano. Hindi mo alam kung nagkaroon nga ba talaga ng simula in the first place. Ang tanging hindi lang nagbago ay yung mga ala-ala, at yung nararamdaman mo. Sabihin na nating kahit papaano ay madali ring mamuhay kasama ng sakit. Madaling tanggapin na ang pagtatapos ay iyong hindi nagkaroon ng pagtatapos, at madaling tanggapin na hanggang pagbabalik-tanaw ka na lang. Ngayon, nakikita mo na naman siya araw-araw, nakakasama sa iisang silid, at hindi mo alam kung matutuwa ka ba o malulungkot. Dahil nakikita mo ang lahat, hindi dahil sa nasa iisang section kayo at magkaklase kayo, hindi dahil sa laging siya ang hinahanap mo at sa kaniya palagi nakatuon ang atensyon mo, kung hindi dahil sa nasa harapan mo sila, kaya kahit anong pilit na gawin mo ay wala kang ibang magagawa kung hindi ang makita ang lahat, at ang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan na lang sa mga nakikita at naririnig mo. Alam mong darating ang araw na pwede siyang mahulog sa iba at wala ka na lang ibang magagawa kung hindi ang hilinging sana ay huwag ngayon, dahil hindi ka pa handa. Ngayon, iiyak-iyak ka? Magddrama ka? Tanga. Bakit kasi binibigyan mo pa ang sarili mo ng dahilan para patuloy na kumapit? Bakit hindi mo magawang bumitiw, kung siya nga ay matagal ng nagawa iyon? Bakit pinapahalagahan mo pa ang bawat ala-ala kung sa kaniya nga ay wala lamang ang mga iyon? At bakit ba tinitignan mo ang isang tao na tila ba siya lamang ang tao sa buong mundo, kung ni lingunin ka nga ay hindi niya magawa?

Ngayon alam ko na, gusto pa rin kita. At ngayon alam ko na din, wala ka na talagang pakialam sa akin.

Nakakatawa lang isiping lagi kong chinecheck kung online siya, madidisappoint kapag hindi, at hinihintay magkaroon ng green na bilog sa pangalan niya sa chat box ko kahit alam ko namang in the first place ay wala rin namang mangyayari kung makasabay ko man siya mag-online. Hindi niya rin naman ako imemessage, kahit anong paghihintay ang gawin ko.

Heto na naman ako sa pagpapakatanga, paghihintay sa isang bagay na alam kong hindi darating. Umaasang magkakaroon ng himala, na babalik tayo sa dati.. noong mga panahon na may pakialam ka pa sa akin.

©
Theme by Missdomokun